Skip to main content
    Ang sektor ng Industriya ay may malaking papel na ginagampanan patungkol sa ekonomiya. Isa ito sa dahilan at kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. 

   Ang sektor ng Industriya ay syang lumilikha ng produkto at serbisyo na kailangan hindi lang ng pamahalaan pati narin ng mamamayan. Sa paglikha ng produkto at serbisyo ay lumilikha rin sila ng trabaho at dahil dito ay mas mapapa-unlad ang ekonomiya. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunan ng pamahalaan ng mga igagastos sa mga programa at mga proyekto nito. Ang Industriya rin ang nagsusuplay ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. Sa pamamagitan nito ay natutulungan nito ang iba pang industriya at mas nakapagbibigay ito ng mas malaking halaga sa ekonomiya. HALIMBAWA, ang produkto na galing sa Sektor ng Agrikultura ay        iprinoseso at ginawang makabagong produkto gaya ng gatas ng baka na ginawang mga "Dairy Products". Ang sektor ng Industriya rin ang nagbibigay daan sa modernisasyon sa pamamagitan ng pagamit ng makabagong makina at teknolohiya sa proseso ng produksyon. 

Comments

Post a Comment